Duration: 2 years
Course description:
Bukas para sa lahat ng mag-aaral na nakapagtapos na ng kanilang kolehiyo sa anumang larangan, at nais magpakadalubhasa sa Panitikang Filipino. May ibinibigay na 50% diskuwento sa matrikula sa mga gurong papasok sa programa. Kinakailangan lamang magpasa ng sertipikasyong magpapatunay ng panunungkulan bilang guro sa pinaglilingkurang institusyon.
May mapagpipiliang dalawang daloy ng progama ang mag-aaral na papasok sa MA Panitikan Filipino: ang daloy na may tesis at ang daloy na walang tesis. Para sa mga magpapasa ng tesis, maaari silang magpasa ng tesis na produkto ng pananaliksik pampanitikan o kultural, pagsasalin, malikhaing pagsulat, o pagtuturo ng panitikan. Para sa mga hindi magpapasa ng tesis, kukuha lamang ang mag-aaral ng karagdagang 9 na unit, katumbas ng 3 kurso, bilang pampalit sa tesis. Ngunit dahil hindi nagpasa ng tesis, hindi na maaaring makapagpatuloy sa pag-aaral sa antas doktorado ang mag-aaral sa loob ng Kagawaran ng Filipino.
» Read the
MA in Filipino description by
FindUniversity.ph
Admission requirements:
Tuition Fees:
P 25,000-35,000 per semester
Contact >>